Kasingkahulugan.
Mahilig daw ako sa kabaligtaran, sabi ng isa kong kaibigan. Tulad ngayon, sinimulan kong isulat ito bago ko lagyan ng pamagat. Kadalasan kasi, kapag tula ang isinusulat ko, nag-iisip muna ako ng pamagat, saka ko na lang isinusulat ang mismong tula.
Kabaligtaran. Bakit nga ba ako mahilig sa kabaligtaran?
Ang Diyos, tinitiyak ko, mahilig rin sa kabaligtaran. Araw at gabi. Lalaki at babae. Itim at puti. Liwanag at dilim. Positibo at negatibo. Yin at yang. Maganda at pangit. Mahal at mura (presyo ito, hindi si Mahal na may video scandal at ex ni Jimboy, saka small letter ang simulang letra ng "mura", hindi yun pangalan...hehehe).
Ngunit kabaligtaran nga ba ang tawag sa mga bagay tulad ng araw at gabi? Babae at lalake? Positibo at negatibo? Et cetera? Sa google, kapag itinype mo ang "define: opposite" sa text box, isa sa mga meanings na lalabas ay ito:
"antonym: a word that expresses a meaning opposed to the meaning of another word, in which case the two words are antonyms of each other; "to him the antonym of `gay' was `depressed'""
Kapag hindi ka pala bakla, malungkot ka...hehehe, biro lang!
Wala pa akong naiisip na pamagat sa unang entry ko sa blog na 'to...hmmm...
Tama nga naman, kapag ginamit ang sentido komon, ang salitang kabaligtaran ay nangangahulugan ng bagay o salita na may baligtad o kontrang kahulugan sa pinag-uusapang bagay o salita. Ngunit kung iisipin, magkabaligtad man ang tingin natin sa mga bagay, kontra nga ba sila lagi sa isa't isa? Halimbawa, ka-kontra ba ng maganda ang pangit? May maganda ba sa mundo kung walang pangit?
Ang kabaligtaran ba ng Kristiyanismo ay terorismo? Ang kabaligtaran ba ng tama ay mali? Ang kabaligtaran ba ng buhay ay kamatayan? Ang kabaligtaran ba ng kaginhawahan ay paghihirap? Kung "oo" ang sagot mo, i-text mo lang sa 1234 for Smart and Talk and Txt subscribers, o kaya naman ay sa 4321 for Globe subscribers. Kapag wala kang cellphone, or cp, baligtarin mo yon, magiging pc, sa Chikka ka na lang magtext (hehehe...may PC na may internet tapos walang cellphone??? Baka na-snatch...eheheh).
Bakit nga ba ako mahilig sa kabaligtaran? Kabaligtaran.
Hindi kaya baligtad ang utak ko? Sa totoo lang, hindi talaga baligtad ang utak ko. Wag naman sana. Mahilig lang siguro ako sa kabaligtaran dahil...dahil...dahil hindi ako mahilig sa kabaligtaran.
Kaba...ligta...ran.
Kinakabahan ako...na makaligtaan...ang mga bagay.
Ang makaligtaang magmahal...o mabuhay. Ang makaligtaan ko ang responsibilidad ko sa aking pamilya, sa aking kapwa, sa bayan...Kaya siguro minsan ay pinipili ng tadhana o ng Diyos na hindi ako magmahal o hindi ako mahalin, upang ma-isip ko na rin kung gaano kasarap ang magmahal o mahalin ako. Kaya siguro minsan nakakalimutan kong isipin ang kapakanan ng aking nanay at tatay at mga kapatid, para ma-isip ko na mahalaga sila sa akin. Kaya siguro may mga nangingibang bansa ay para ma-isip nila kung gaano kapayak at kasaya ang buhay sa Pilipinas. Kaya siguro naiisip kong mangibang bansa ay upang maisip ko rin kung paano kaya kung piliin kong huwag lumisan? Paano kung manatili ako, patuloy na umasa?
Paano kung maniwala akong may pag-asa pa sa Pilipinas...kahit matagpuan ito sa ilalim ng mga nabubulok na basura sa tabi ng kalsada, o sa mga hibla ng natututong na baga ng mga batang kalyeng sumisinghot ng rugby, o sa ilang punit-punit na libro ng mga batang nag-aaral sa pampublikong mga paaralan. Paano nga kaya?
Kung kabaligtaran ng matinong pamahalaan ay isang pamahalaang kurakot. Kung kabaligtaran ng pagmamahal ay poot. Tama, hindi nga ako mahilig sa kabaligtaran.
3 Comments:
,,keep it up co. writer... check mine too... www.reinheaven.blogspot.com... thanks' :D
This comment has been removed by the author.
This comment has been removed by the author.
Post a Comment
<< Home